Pansamantalang naantala ang pahalik sa Poong Nazareno kaninang umaga. Gaya ng inaasahan taon taon, dinagsa ng mga deboto ang pah...
Pansamantalang naantala ang pahalik sa Poong Nazareno kaninang umaga.
Gaya ng inaasahan taon taon, dinagsa ng mga deboto ang pahalik sa Poong Nazareno sa Quirino Grandstand, Manila.
Marami ang nag abang at nag tyagang maghintay sa Quirino Grandstand, Manila simula ng madaling araw. Inaasahan ng mga deboto na gaya ng taon taon na tradisyun, magsisimula ang pahalik ng 6:00 ng umaga, kaya laking gulat nila ng ito ay magsimula sa ganap na 7:45 ng umaga.
Sa kauna unahang pagkakataon, nagkaroon muna ng banal na misa bago simulan ang pahalik at kasunod na Traslacion na magbabalik sa imahen sa tahanan nito sa Quiapo church mula sa Quirino Grandstand.
May ilang mga volunteer ang naunang pinapasok para makahalik sa Poong Nazareno. Pinauna silang makahalik sa kadahilan na taon taon sila ang hindi nagkakaroon ng oras para makahalik sa Poon.
Source: ABS-CBN NEWS
COMMENTS